December 2017
SunMonTueWedThuFriSat
     12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31      

Calendar Calendar


ISSUE ON GMA DINNER

View previous topic View next topic Go down

ISSUE ON GMA DINNER

Post  Admin on Sun Apr 25, 2010 11:35 am

Sa bawat estado ng buhay meron tayong tinatawag na mga boundaries.

(pauna lang po hindi po ako maka gobyerno o anuman, isa lang akong tagamasid)

President GMA entourage had $15k and $20k dinner in America.

Headline sa halos lahat ng diaryo, broadsheet man o tabloid. Pati sa TV eto na rin ang headlines. Hay ang laking issue; ang tanong malaking issue nga ba? O sadyang pinalalaki lang upang makabawi naman sa ating pangulo sa mga patutsada nya nung nakaraang SONA.

Napanood ko sa isang balita sa TV na nagkaroon sila ng pag – aaral sa kung gaano karami ang kayang pakaining naghihirap na pilipino sa $35k na dinner nina PGMA. Ayon sa kanilang report marami daw sana ang nakakain kung naging sensitive lang daw ang ating pangulo sa nangyayaring kahirapan ng ating bansa. May isang aktibista pa na tinawag na makapal ang ating pangulo.

Hay…anu ba ang gusto nilang palabasin? Sa una palang sinabi na ng tagapagsalita ng ating pangulo na isang congressman ang nagbayad sa kanilang dinner. ANU BA TALAGA KUYA…..

Mga konting katanungan lang po “sa pagiging sensitive”

Una dun sa isang militante – napanood ko po na may pinamimigay kayung mga papel (photocopy yata yun ng mga kinain nila PGMA sa america), sa pagiging sensitibo po, sa tingin nyo po ba kung yung pinangpa photocopy nyo nung mga menu na yun, kung
inipon nyo may mapapakain na kayo kahit isang tao lang na hindi kayang bumili ng pagkain?

Sa mga politiko (lalo na sa mga bumabatikos sa DINNER) – magkano po ang suot mong “damit,bra,brief,panty,pantalon,palda,medyas,sapatos”? sa pagiging sensitibo po, sa tingin po ninyo kung ang gamit natin ay binili lang sa divisoria at yung natirang pera ay inipon natin, may mapapakain din po ba tayu?

Sa mga politiko na gumagamit ng magagarang sasakyan (lalo na sa mga bumabatikos sa DINNER) – magkano po ang sasakyan na ginagamit nyo? Sa tingin nyo po ba kung gagayahin natin si Congressman Calamansi yun pong laging naka bike, may maiipon po tayu at may maipapakain din sa mga kapos palad?

Sa mga politiko na may TV adds – may nabasa po ako na 140m pesos ung adds (huwaw). Meron pa akong napanood sabi sa adds (pangdalawa lang daw yung nabili nya pero anim ang kakain), sa tingin nyo po marami po ba sana tayong mapapakain kung hindi sa adds ginamit yung pera?

Sa akin na mismo – sinasabi nyo (bumabatikos sa dinner) po ba na bawal na akong mag mc do? Jollybee? SM? Dahil maraming bagay na mas mura at kung iipunin ko malamang may mapapakain din ako.

Dagdag lang po; sa mga taong nagsasabi na manhid ang pangulo dahil nagawa nilang magsaya habang nasa estado tayo ng sampung araw na pagluluksa; may alam po akong bayan o probinsya na pag may burol po eh may nagkakaraoke pa.

OPINYON:

Alam nyo po, napakaganda kung lahat ng tao ay mamumuhay ng simple, dahil sigurado po wala ng maghihirap pa. Kaya nga lang po sabi ko nga sa una na sa bawat estado ng buhay may tinatawag tayong boudaries. Siguro po yung si congressman e talagang malaki ang naka set na boundaries kaya ganun ang nakayanang gastusin. Sa mga politiko naman po sana po maibigay po yung sapat na para saamin dahil kaya po kayo naka upo ngayon sa inyong pwesto e dahil SAPAT ang ibinigay naming boto.

Salamat po!

Actss

[Condence from http://blogs.gmanews.tv/imbestigador/?p=232]
avatar
Admin
Administrator
Administrator

Male
Age : 41
Location : mla
Registration date : 2008-05-24
Points : 3462
Reputation : 112
Number of posts : 3070
Job/hobbies : Assist. Engr. Petrochemical Plant / surfing, treasure hunting
Humor : serious type

http://swertreslotto.forum-motion.com

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum