October 2017
SunMonTueWedThuFriSat
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031    

Calendar Calendar


Ganito magbigay ng masamang balita

View previous topic View next topic Go down

Ganito magbigay ng masamang balita

Post  int20h on Sun Oct 18, 2009 4:06 pm



KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....

"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."

"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?

"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot."

"Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa bird show?

"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."

"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong 'yon. Hay, buhay!

Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"

"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."

"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"

"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."

"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr Arnaldo?"

"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir.

Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"

"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."

"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi mo?"

"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po 'yung isang
nakasinding kandila, tapos nagliyab yung kurtina at mabilis na kumalat
ang apoy...."

"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a.
Para saan 'yung kandila?"


"Para sa burol po."

"Ano? Kaninong burol?

"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu'ng isang gabi,
walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw.
Binaril ko. Sorry po."
avatar
int20h
Moderator
Moderator

Male
Age : 37
Location : Negros Island
Registration date : 2009-10-15
Points : 298
Reputation : 16
Number of posts : 175
Job/hobbies : Controler

http://suertrespointers.forumotion.com/forum.htm

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum